Sobrang saya ko ngayong araw na 'to dahil sa culminating activity para sa Linggo ng Wika. XD wala lang, nakakatuwa lang isipin na isang malaking tagumpay ang unang pagtatanghal ng Pamulatan para sa S.Y. 2009-201o. Wala lang, aliw lang talaga. XD tuwa naman ako. :))
Okay so mula Lunes ng tanghali, pinaghahandaan na namin 'yon. Buong linggo kaming nag-practice para sa isang kulang-kulang limang minutong presentasyon pero grabe, worth it naman lahat. :) Mas naging maganda ang daloy ng presentasyon nung inayos na ni Ms. Rory. Mas naging nakakakilabot. XD Kinilabutan ako actually sa speech ni Marcos [Ate Bea] lalo na kung pano 'yon binigkas kasi talagang mararamdaman mo na parang idinedeklara na nga talaga ang Martial Law [ulit]. Haha, O.A. XD Tsaka si Maxara.!! Waa ang epic lagi ng pagbagsak. HAHA. Panalo talaga yung performance sa gradeschool. Show stopper si Maxara. =)) nakakatuwa ring isipin na may mga kinilabutan din sa performance namin. Na-feel din daw nila. Wala lang, kasi parang, siyempre 'di ko naman nakikita 'yon, feeling ko parang... wala lang, oo galit kami. Pero 'yun lang. :)) Tas ayun, sabi nila nakakakilabot daw. Weh. :)) Lalo na sa gradeschool, panay sila mag "WHOA~" tapos hindi pa kami tapos, nagpapalakpakan na sila. Ewan ko kung talagang nabibighani sila o gusto lang nila matapos agad. =)) joke. Pero ayun, wala tuwang tuwa lang talaga ako. :))
Proud talaga ako sa kinalabasan ng araw na 'to. Feeling ko napaka-successful ng lahat. Mula sa programa sa multi hanggang sa kainan sa mga classrooms.
Gusto ko tuloy mapanood yung performance. :))
Moving house
8 years ago
No comments:
Post a Comment
Comment, please.? =3