Everything expressed in this entry is purely my opinion only. If it doesn't match with yours, please don't shower me with harsh words. And no, wala akong pinapatamaan dito.
+ + +
Galit na talaga ang Inang Kalikasan dahil sa kapabayaan ng taongbayan. Buong Luzon, lubog sa baha. Libu-libong katao, nasalanta. Tayo rin naman ang may kasalanan, eh [at oo, sinasama ko ang sarili ko]. Kung hindi pa 'to nangyari, 'di pa tayo matatauhan. Ngayon, namulat na tayo sa katotohanan. Namulat na tayo sa mga kababalaghang kayang gawin ng Inang Kalikasan.
Kaliwa't kanan ang pagpapaalala na ginagawa sa'tin. Ngunit anong ginawa natin? 'di natin 'to pinakinggan. 'Di natin 'to pinansin. Ngayong may ganitong pinsala nang nangyari, saka lang natin mapagtatanto na "Oo nga, nag-iiba na ang panahon. Nag-iiba na ang kalikasan". Global warming at climate change. Matagal nang isyu 'yan, ah? Pero parang ngayon lang nabigyan ng pansin. Bakit? kasi may nangyari na.
Lagi tayong pinaaalalahanan ng mga environmentalists pero ano ang naging tugon natin? wala. Wala tayong ginawa. May mga iba pang nagsasabi na masyado silang over-acting. Tingnan mo nga naman 'yan. Pambihira.
Dati, gumawa ako ng isang essay tungkol sa climate change [mahahanap ito dito] at base ito sa dokumentaryong "An Inconvenient Truth" ni Al Gore at sa isang site na ipinakita sa'kin ng kabarkada ko noon. Nakatatakot ang impormasyong nakalahad sa site na 'yan kung talagang importante sa inyo ang mundong ibabaw. Sinabi ko rin sa essay na 'yan na opinyon ko lamang ang mga nakalahad don pero ayun... may nagcomment pa rin na mali ang mga sinabi ko. Bakit? kasi mali raw si Al Gore sa research niya. O, sinong mali ngayon.
Ayon sa siyensya, patungo na tayo sa punto ng "irreversable climate change". Iintayin pa ba nating humantong tayo sa ganon o kikilos na tayo ngayon pa lang? Huwag na nating hayaan mangyari ulit ang mga ganitong pinsala tulad ng dala ng Bagyong Ondoy. Siguro nga, naging wake up call sa'tin 'to. Panahon na para kumilos at seryosohin ang mga nangyayari sa kalikasan na dulot rin naman ng taongbayan.
Moving house
8 years ago
yeap ur right...people don't care...
ReplyDeleteActually Sam, people DIDN'T care before. They do now kasi may nangyari na. Kelangan pang may mangyari bago kumilos ang mundo eh.
ReplyDelete