Wednesday, July 29, 2009

Sa Kabila ng Bawat Tono

Tatlong taon ang lumipas.

Parang walang progreso.

Pumapalpak, tumatayo, magkakasama pa rin.

Noon ata iyon?

Oo, Noon nga. Hindi na ngayon.

Sa kabila ng bawat tono,

Napansin niyo bang 'di tumutugma?

Sa muli ninyong pagsasama,

may nakapansin ba ng pagkukulang?

Buo na ang kanta, buo na ang lahat.

Sadyang may mga tono lamang na 'di babagay dito.

Pero 'di na bale.

May ibang kanta pa namang magagawa

ang tonong sadyang nawala.

2 comments:

Comment, please.? =3